A compilation of essays and poems made by history students.
From our hearts to yours....

Poetry and Inspiration

Corregidor
By : Dianna Yap

Saksi ka sa kasaysayan ng bayang
Nalugmok sa  madudugong  labanan
Hirap at pagod na dinanas ng kababayan
Iyong nakita at naranasan

Susi ng nakaraan ang iyong hawak
Sa naiwang kanyon at lupaing malawak
Pagsabog ang iyong nalampasan
Nasira man ang iyong kagandahan

O Corregidor , bahagi ng lupang sinilangan
Ang kasaysayang dala mo’y huwag sanang malimutan
Ng kabataang dapat malaman
Ang kasaysayan ng sariling bayan



RODIGERROC

By: Paula Apines


Rojo estaba el color del mar años antes.
Ojos ahuecados en los muros miran solamente a ellos ahora
Desafían caminar en la noche para ver los muertos y quienes
Invita para mirar sus vidas a su vez.
Guerra  jugado en esta isla
Eternidad en silencio estaba el premio.
Regresar al clamor y tranquilidad en esta isla es
Reconocer las vidas quienes murieron son los muertos quienes viven.
Olvidar su cuento es imposible por eso; and
Continuando volver a ellos es un manera para asegurar sus honor.


Red was the color of the sea years ago.
Only hollowed eyes on the walls gaze back at those now
Daring to walk at night to see the dead and who
In turn invite you to see their lives.
Gambled war on this island
Eternity in silence was the prize.
Reliving the noise and peace in this island is
Recognizing the lives that died are the dead who live.
Obliterating their story from memory is impossible therefore; and
Coming to see them there is one way to ensure their honor.



The Myth of the Frog Prince
by: Reinier de Guzman

The blood spilled on the land lies harrowingly still,
as the tadpole that defended the waters of our freedom
turned into a frog, while pretending to be a prince.

Those cannons, monument to valiance of warriors
ages ago, stood sterile, incapable of defending
the freedom it have lost, gained, and is now lost again.



Corregidor

By: Anna Patricia Miravite

Sa may dakong timog ng Bataan
Pulong hugis ulo-ulo'y matatagpuan.

Ito ang Corregidor, may laking siyam na milyang parisukat,
kwento ng mga bayani, kanyang buhat-buhat.

Ang Tulay ng Malinta, di lamang proteksyon ng mga mandirigma,
Pati mahal ng Pangulong Quezon kanyang inaruga.
Ang sanlibong-kamang handa para sa mga sugatan,
pinapalakas ang mga ito, para di-maantala ang pakikipaglaban.

Way, Hearn, at Grubbs, tatlo sa mga batterya,
Ammunisyon at mortar ang kanilang ibinubuga.
Putukan dito, putukan doon
hanggang masailalim sa puwersa ng Hapon.

Ang Pacific War Memorial, para sa mga lumaban ay paggunita
Sila ngayo'y natutulog sa pagbukas ng liwanag.
Para sa mga naiwan, ito'y isang alaala,
Na ang ating mandirigma ay matatapang at di duwag.

Ito ang Corregidor, may laking siyam na milyang parisukat,
kwento ng ating mga bayani, kanyang buhat-buhat.




Corregidor
by: Patrick de los Santos

Sa pagsikat ng araw, isang pagpapakita ng paraisong walang katulad ang ganda,
Isang lugar ng dati'y kalungkutan ang nadarama,
Ngayon ay nagbibigay ng kurbadang hugis sa aking labi,
Hindi matanto ang bawat pakiramdam dahil sa kagalakan ng lugar,
Isang pulong na tipong nagtatago upang hanapin,
Isang parisukat na dapat tangkilikin,
Mula pagtapak, hanggang sa pag-akyat, 'di nabago ang kasiyahan.
Kahit sa paglubog ng liawanag, pagpapaalam ay isang simbolo,
Simbolong nagsasabing, paalam at tayo'y muling magkikita.